This is my blog. Blog ng isang ulirang nagpapa-utong programmer. Born 1978, which simply means i'm 27 years old, yeah! still single, no plans of getting married yet coz' she haven't found me yet. Feel free to read or make some comments or tags, this blog is intended to have all my emotions, it simply serves as my outlet. You may find it funny most of the times, sad, in and out of love, naughty, yucky or even brutal but that's just me. Some say, I'm too exposed.... but the thing is...i'm not, I still have some secrets buried within me...and I don't intend to write it here... I prefer to keep it.



To download the steaming music right click here and select save target as. ^_^





MOOD : Happy
LAFANG : Fuds
TOMA : C2 yung green!
GINAGAWA : Work
INIISIP : Work
Togtog Ngayon : Beer

YM Conversation
Kasi kung indi kasama physical dyan, malamang matagal ko ng kasintahan mga unggoy sa manila zoo

FEATURE OF THE WEEK


   

Ang mga petsa na kulay tae sa kalendaryo ay mga araw na sinulat ko ang ilang misteryo ng aking pagkatao.
<< April 2018 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30





ang dumadalaw ngayon d2.

MGA KALULUWANG NALIGAW
Wafu at Dyosa ang Dumaan.

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Wednesday, May 10, 2006
New Home

Sa mga indi ko na-inform kung saan ako lumipat, indi ko na ina-update ang blog na ito. Dito na kayo pumunta sa bago kong blog.

TAMBAYAN NI LUKIN

Click nyo na lang yan.


Posted at 10:09 am by lukin
Me reklamo? Isulat mo dito.  

Thursday, March 16, 2006
I'm Going To Miss The Old Me

Hookay,

It just so happen that some of my fellow readers are spamming my mail not to delete this blog wahahaha. Nasabihan pa ako ng 'gago' kahapon at wag ko daw i-delete. And there is someone this morning na ka-chat ko, and she somehow inspire me to be a "Responsible Nice Stingy Boy" he he he, you know hu u are. Isa siyang Kyut na... uhmnn... basta Kyut ka lang talaga ha ha ha..

Gusto ko sanang i-delete to, unfortunately. Hindi ko magawang i-click yung button, parang na-stroke yung hintuturo ko na pumindot. BTW, ganda ng kantang to pramis! He he he.

This wud be my last update on this blog. Bibisitahin ko pa din yung mga nasa links ko. Pramis!

 

Beer
Itchyworms

Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag-iisa
Nakatanim pa rin
Ang gumamelang
Binigay mo sa`kin nang tayo`y maghiwalay
Ito`y katulad
Ng damdamin ko:
Kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay

Pre-chrous *

Giliw, wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana maglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito`y nawala
Nung iniwan mo ako kaya ngayon

Chorus **

Ibuhos na ang beer
Sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
Puso kong nahihirapan
Bawat patak anong sarap
Ano ba talagang mas gusto ko,
Ang beer na ito
O ang pag-ibig mo?

Nais kong magpakasabog
Dahil wala ka na
Kahit ano hihithitin
Kahit tambutso
Kukuha ako ng
Beer at ipapakulo
Sa kaldero't lalanghapin
Ang usok nito
Lahat ay aking gagawin
Upang hindi ko na isiping
Nag-iisa na ako

Repeat **
Instrumental
Repeat *
Repeat **


Posted at 10:08 am by lukin
Comments (6)  

Monday, March 13, 2006
PAALAM

Guys, Gals, Gays at kung anu-ano pa na may link ako sa kani-kanilang blog. Magpapalit po ako ng tahanan. Sa ngayon kasi ay umabot na ng 95+ percent ang bandwith ko sa blogdrive. Kaya sa ayaw ko man at sa hindi ay kinakailangan kong lumipat.

I-link ko pa din kayo sa magiging bago kong turf/blog kapag nakagawa na ako, i'm still looking for a new hosts, unfortunately hindi ko po i-publish dito ang address ng bago kong blog. Pasensiya na kung selfish ha ha ha. I will find a way to tell you my new turf. Pramis!!!

Honga pala, pede nyo pa din naman ako e-mail sa lukin4gf@yahoo.com, tumatanggap din po ako ng cash, de lata, lumang damit tsaka babae he he he.

Masakit para sa akin ang magbago ng turf/blog lalo nga at madami ditong mga 'lurkers' (aminin mo na, isa ka dun ha ha ha), I know that in some ways I've touch some of their lives. Masarap ang pakiramdam nung kahit paano malaman mong may nagbabasa ng mga pangyayari sa iyong buhay, kung paano ka sumaya, nalungkot, nabigo, nagtagumpay, nagalit, nagmahal at nangulangot.

I've got so much to say, kaya lang palagay ko sapat na siguro yung salitang "Salamat" at sa totoo lang naiiyak ako, shaks! ampanget ko pa naman umiyak!

Ciao!


Posted at 03:06 pm by lukin
Comments (8)  

Lukin’s Search Engine

(Note : Long interesting entry para sa akin, naaliw lang ako he he he)

Just this month kasi eh naglagay ako ng tool sa blog ko, ito yung tipo ng tool na malalaman kung anong IP Address ang uma-access sa blog ko, san sya galing bago sya dumapo sa blog ko, kung anong gamit niya, kung naka-ISP ba sya, DSL or kung ano mang provider ang gamit niya, web tracker ata tawag dun. Hindi naman ganun ka-extensive yung tool kasi medyo general yung ibinabato niya sa akin na data. Heniwei, ang nakakatuwa lang dito ay yung meron siyang parang keyword analysis. May mga tao kasi na nagsesearch sa google at yahoo search tapos napapadpad sila sa blog ko.

Hindi ko na nilagay yung mga links kasi malamang eh wala na yun, mabilis kasi magpalit ng popularity rate ang google at yahoo search, heniwei the picture you see below eh yung mga keyword searches na nagamit at napadpad ang mga ka-awa-awang mga nilalang sa aking blag. Ni-capture ko na lang siya.

Nakakatawa talaga, lalo na yung “top 10 na tawagan ng magkasintahan”, ala naman akong topic na ganun pero ewan at bakit blog ko ang ibinigay ng search sa kanya bwahaha, ngayon para naman hindi masayang ang pagdapo niya sa blog ko magbibigay ako ng idea.

  1. Hon, Honey – Hekshuli, madalas marinig ang tawag na ito sa magkasintahan. Tawagan namin dati yan ng eks ko. Yoko na pahabain ba at baka may umiyak (cguradong ako yun he he he).
  2. Sweetheart, T’heart (pronounced as thart), Sweety, Heart – may naaalala akong opism8 na madalas gumamit ng sweety, well sweet naman siya tsaka maganda boses. Kilala mo yun Jepoi.
  3. Love, lab, luv, labiduds – I remember one time nagamit sa akin yung labiduds noong college pa ako. (ay mali duds lang pala ha ha ha)
  4. Papsi, Mamsi, Papsa, Mamsa – madalas ginagamit ng magkasintahan na sundalo, AFP, PNP, Marines, Navy, Air Force, NPA, Rebelde, Alex Bongkayaw, Holdaper, Karnaper at si Manang na nagbebenta ng turon sa may amin.
  5. Chuva, Chuvachuchu – Madalas ko naririnig na tawag ng shoki sa papa nila, una kong narinig ito kay Jolina Magdangal noong college pa ako ha ha ha.
  6. Papa, Mama, Paps, Mommy, Daddy, Hub, Hubby – Sa magkasintahan na di pa kasal pero may anak na at nagsasama sa iisang bubong, madami nito sa lugar namin ha ha ha. Tapos maririnig mo kapag nag-aaway eh, Gago! Tarantado! Kupal! He he he (sorry, brutal na naman ako)
  7.  Cupcake, Buttercup, Sugar – Di ko na alam yung iba eh, madami kasi ito na inirerelate ang tawagan sa isang matamis na bagay, almosts the same as honey pero mas maganda kasing tawagan ito, mas unique kumbaga. Mas kilala yung ganitong tawagan as code names. Minsan may naririnig din akong “Chocolate”, “Éclair”, at “Donut”. I was wondering kung ubrang gamitin ang “Pop Rice” at “Bukayo”, tutal matatamis naman din yun.
  8. Mine, Yours Truly, My Lab, My Home, Soulmate, Mate – bihira ko itong marinig pero masarap pakinggan lalo na pag tinawag ka na ‘Mine’. Maalala ko nga pala, ang tawag ni Lulu kay Marco eh “You’re Mine”.
  9. Pangit, Unggoy, Bruha, Damuhong atbp. – eto naman yung madalas na ginagamit ng iba, pero wag nyo masyado i-take seriously kasi although sinabihan ka ng ‘pangit’ or ‘unggoy’, isang way lang yun ng paglalambing. Pero kung ganun ang tawag sa iyo tapos nagngangalit ang kanyang mga ngipin at mata, tinitiyak kong totoo yun at hindi paglalambing.
  10. Lucky, Heart, Piolo, Jericho, Sandy – eto naman yung madalas eh nirerelate nila yung kasintahan nila sa artista. Pede nyo din naman gamitin ang ibang artista katulad nina Dagul, Mahal, Mura at Dolphy.

O hayan, marahil madami pang iba pero di ko na maisip yung iba pang pwede itawag sa kasintahan. Pwede din i-relate sa punungkahoy gaya ng “Narra”, “Machete” at “Plywood” o di kaya eh “Ipil-Ipil”. Kung indi ka pa kuntento, iparehas mo na lang sa ibang bagay gaya ng “Aspalto”, “Yero” o di kaya “Imburnal”. Madami hekshuli, it’s up to you lang naman kung ano yung feel mo na itawag.

Meron din nagrere-search ng “Malilibog Na Gwapo”, o yeah! You’ve come to the right place my dear ha ha ha! Ay teka, hindi pala ako gwapo… malibog lang.. sorry ha ha ha!

Natawa din ako sa iba pang keywords na ginamit ha ha ha. Gaya na lang nung “Masama Ba Ang Manulot”, wahahaha!!! Masama yun pre!!! Hintayin mo na lang na mag-break sila tapos tsaka ka pumasok sa eksena. Heto pa isang keyword, “Ang Talambuhay Ni Nora Aunor”, gyahahaha!!! Kelan ko pa naging kamag-anak si Superstar??? Henaku! Ha ha ha, josme!

Eto pa matindi dyan, yung “Picture at Talambuhay ng mga bayani”, waw! Heavy dude! BAYANI!!! Ampness! Blog ni lukin, isang bayani! Malabong mangyari na ang isang ulirang utu-utong programmer ay maging isang bayani, mas malaki ang chance siguro na isang ulirang uto-utong programmer ay maging isang sawi sa pag-ibig (waaaaaahhhhh****).

Heto pa, “Paano pumupunta ang blood sa heart”, he he he, ewan. Pag may time siguro ako explain ko.


Posted at 08:58 am by lukin
Comments (16)  

Sunday, March 12, 2006
Come on! Let’s Join Us!

Note : I’m bored and got nothing to do, yung tineks ko, indi nagreply, amf! So heto uubusin ko oras sa isang mahabang entry.

After naming manggaling ng simbahan kaninang umaga eh ala na akong inatupag kundi ang manood ng DVD habang nakahilata (nuknukan talaga ako ng katamaran ha ha ha), feeling ko nga eh flat na ang mukha ko, 14” na hugis parisukat, lagyan mo lang ako ng antenna at tiyak mapapanood mo na sa aking mga mata ang Channel V at CNN. I don’t have plans to make an entry today, unfortunately bumigay na ang mata ko kapapanood kaya naisipan kong magblog at mag-tsek ng mails. (ayoko muna buksan frenster ko, at sa kung ano mang dahilan, ala ng pakialamanan, akin na lang yun!)

Honga pala, nalagasan ako ng kulang 1k pesoses kahapon, ang inaasahan kong KKB (kanya-kanyang bayad) ay napalitan ng Kailangan Kong Bayaran, Ang inaasahan kong tatlong tao na dadating ay kinompress sa iisang tao lamang. Akala ko tuloy eh para silang si Voltes V na nag-volt in para maging isang malaking robot lamang. Na-alala ko tuloy yung kanta ng Spice Girls na 2 become 1. Eto nga teks nung nag-organize eh -

“Hi mark. As much as I wanted to come. I cnt. Grabe namamaga gums ko. D ko snasadya. Pramis ;-)….”

Ayan, nilagay ko sa blog ko yan para may ibidinsya ako sau sakaling maaksidenteng madelete ko msg mo bwahahaha. D ko snasadya?? Kelan ba kasi pwedeng sadyain ang pamamaga ng gums? Maliban na lang kung plinano mong sumakit ang iyong gums wahahaha. Pero ok lang, pagaling ka agad para sa susunod eh ikaw naman manlibre.

Namiss ko din ang lumabas-labas ng bahay, sa totoo lang taong bahay lang ako kasi nga ala naman akong pera at higit sa lahat, walang manlilibre. Nasa megamol nga ako kahapon, matagal tagal din akong indi nakafonta sa mall na yan, nakakapanibago ha ha ha, para akong probinsyanong estranghero na napadpad sa mataong lugar, meron na palang starbucks sa 4th floor he he he, oo doon naghintay yung kasama ko, palagay ko namuti mata nun kakaintay sa akin samantalang nag-eemote ako sa ibang lugar ha ha ha.

Nasabi ko na bang elibs na elibs ako sa mga pipol below my age? Last time nabanggit sa akin ng opism8 ko na mas bobo daw ang mga 28 years old kesa sa mga newly grad ngayon. Buti na lang 27 pa din ako, at malayo pa bertdey ko, so hindi ako kasama sa mga bobo ha ha ha! Magagaling kasi mga kabataan ngayon na mas bata pa sa akin, madaming alam at agresibo, hindi gaya ko na nabulok sa mundo ng iisang programming language.

Yung kyut na kasama ko sa megamol kahapon (naks! Sipsip agad ha ha ha!), yung namuti ang mata kakaintay sa akin wahahaha, sorry ah, magaling kasi yung nag-organize (bato-bato sa langit ang tamaan ay guilty ha ha ha). Nakakadalawang company na siya tapos yung kaibigan nilang guy eh madami din programming language na alam hay… kainggit. She’s younger than me pero pakiramdam ko mas mature pa siya mag-isip kesa sa akin bwahahaha, pero di bale mas younger looking naman ako wahahaha joke! I really enjoyed the company, sana maulet ulet ng makalimot sa mga bagay bagay he he he. Pero next tym bawal ang na ang may sumasakit ang gums, tapos sana hindi na din mag-iba ang depinisyon ng KKB, tsaka sana off topic ang lablyp he he he (on sekantot, sige pede lablyp na topic).

BTW, napansin ko nga pala, pareho kaming naka-black nung sat ha ha ha. Ala lang, ansaya, feeling ko nakikidalamhati siya sa mga nangyayari sa aking buhay ha ha ha. Teng Q!

P.S. Hindi ko na nilagay names nila at baka magalit he he he. Next tym na lang siguro. Pag hindi na sila ang bida ng entry ko.


Posted at 01:58 pm by lukin
Comments (2)  

Friday, March 10, 2006
Time Table ng adik sa Narcotic

Ayos na sana ang araw ko ngayon, tagumpay na sana, ang buong akala ko eh limot ko na kaso…

6:30 am – nagising ng maingay na alarm

7:00 am – kumain ng almusal

8:00 am – nasa loob ng FX papasok ng opis. Shet! Ang hirap ng may sounds na love song sa FX na-alala ko na naman siya! Di bale, malamang ngayon lang to dahil may love song na background.

(Kung pede lang sanang sabihan si Manong Driver na ilipat sa NU 107 ang radio niya or di kaya mas maganda ilagay na lang nya sa AM dun sa DZRH o di kaya sa DZXL Radio Balita!)

9:00 am – Nasa opis na, sa halip na magbulatlat ng corporate mail, blog ang inatupag, nagposts ng pictures.

9:30 am – Kausap ang mga manlilibre sa akin bukas, ay KKB nga pala yun. Pero open pa din naman ako sa libre eh, so kung sakaling magbago utak nila ok lang sa akin.

10:00 am – Back to work.

12:00 nn – Lunch

1:30 pm – Back to work

4:00 pm – @$%#*!!! Pakshet!!!! Siya ulet!!! Ayoko na! Tangna!

Totoo yung sinasabi ni Coelho na parang narcotic daw yun, palagi mong hinahanap hanap. Bilib din ako sa matandang negrong yon, magaling siyang magsulat at higit sa lahat totoo yung mga sinasabi niya at ang masaklap pa eh nangyayari ang mga yun sa akin! Ampotaness! Kahindik-hindik na pangitain ang nababanaag ko pag nakikita ko ang libro niyang “By The River Piedra”.

4:10 pm – Publish ang effin na entry na to habang laman pa din sya ng utak ko.

After 30 mins – Malamang kumakain na ako ng turon. (Na-alala ko tuloy yung usapan namin sa turon)

After 1 hour and so on and so forth – Malamang sya pa din laman ng utak ko, alas-5 na kasi! Ang oras na kina-iinisan ko. Yung walang ginagawa kundi mag-emote ng mag-emote hanggang mapagod ang utak kaka-iisip kung bakit magkatunog ang Alphabet Song at ang Twinkle Twinkle Little Star. Sa anong dahilan at bakit pareho sila ng tono, pareho ba sila ng composer? At sa anong dahilan at susubukan o di kaya ay sinubukan mong kantahin ito?


Posted at 04:35 pm by lukin
Comments (3)  

Da Pektyurs

Matagal ko ng gustong iladlad ang mga pektyurs na to, kaso ngayon ko lang kasi nakuha he he he.. Honga pala, indi ko na isinama yung iba dahil wala naman ako dun, alangan namang isama ko pa yun eh blog ko to ha ha ha. Sayang lang ang space ha ha ha!!!

Herdz! Kamukha ko talaga sya ha ha ha! Parang ako yung darkside nya ha ha ha! Lalo tuloy ako naniniwala sa parallel universe! Hek! Hek! Hek! Di po namin kasama yung babae sa likod. Sorry na lang kung pati mukha niya eh nabalandra sa blog ko he he he.

Ang dalawang halo, pag pinagtabi nagiging sungay.

Isa sa dahilan kumbaket madaming banggaan sa kalsada. Yan ay dahil sa pati drayber eh humaharap sa kamera. (Dre! Pakiramdam ko parang may nadaanan tayong humps sa Ayala? Teka may humps ba dun? Tao yata yun pre! Tao nga!!!!)

Pangalawang dahilan ng banggaan. Priceless!!!

Una kong napansin dyan eh yung dalawang plato na parang dinilaan ng kalabaw ha ha ha! Ay teka, ala pala sinabi ang dila ng kalabaw sa ginawa nating misteryo sa mga palto bwahahaha!!! Kumain ba tayo???

Tagal ng fuds. Bakit kaya pag libre matagal dumating ang fuds he he he. (Hindi ko kayang mabuhay ng pa-frap-frap lang!!!)

Parang umeksena lang ako sa pektyur na to ha ha ha! Pero pinakagusto ko to sa lahat, pramis!

Masaya na sila! Busog na kasi wahahaha!!! Dre, may kahawig ka daw na reporter, kaso limot ko na name.

P.S. May isasama ako pektyur ng dyaskeng sasakyan ng SWAT na humarang sa amin kagabi pero para saan pa?? Ilagay ko na lang plate number nila 'SFU 15*', di nakuha ng camera yung last number. Pumarada ba naman sa intersection, nakahambalang at nagcause ng traffic. Henaku!


Posted at 08:18 am by lukin
Comments (9)  

Thursday, March 09, 2006
Sixth letter of the alphabet

Two weeks ago may pumuntang mama sa opis namin.

"Gud afternun ma'm, sir. Taga comfuter xxxx fo ako, nafansin  ko fo kasi na madami kayo comfuters, we had a means of maintaining ur comfuters fara falaging malinis at safe" (some saliva droplets are being planted on my desk, si manong talaga kulang ng praktis sa letter fee 'P').

Excerpt from "By The River Piedra I Sat Down And Wept"

Love is like a narcotic. At first it brings the euphoria of complete surrender. The next day, you want more. You're not addicted yet, but you like the sensation, and you think you can still control things. You think about the person you love for two minutes, and forget them for three hours.

But then you get used to that person, and you begin to be completely dependent on them. Now you think about him for three hours and forget him for two minutes. If he's not there, you feel like an addict who can't get fix. And just as addicts steal and humiliate themselves to get what they need, you're willing to do anything for love.


Posted at 09:21 am by lukin
Comment (1)  

Wednesday, March 08, 2006
The Battle Ground V6.01 (A sequel to ‘Boy Asa’)

Day 1
Naglalakad siya papunta sa battle ground (power level is 100%).

Day 2
Nakakuha siya ng pampalakas (power level 100% + extra 10%)

Day 3
Dahil sa kabobohan, akala niya eh pampalakas yung kinuha niyang item pero yun pala after several hours eh unti-unting nauubos ang life nya (power level 100% - 10% every hour)

Day 4
Panic mode, nauubos na ang life nya, yung heart icon sa taas eh nagbiblink na. After several minutes, tepok… higa ang character… bulagta… parang palaka na dinaanan ng pison.

Repleksyon :
Ganyan ang tao pag nainlab, pupunta yan sa battle ground tapos makakakita ng isang magandang item. Ding! (*light bulb sa bumbunan*), kukunin nya agad yun ng indi na nag-iisip. Madalas talaga yan, pina-iral niya yung feelings niya, na ang buong akala'y namakakatulong sa kanya ang item na yun. So far, after several days, syempre ala pang side epek ang lintek na kinain niya, feeling niya anlakas-lakas niya, feeling niya siya si Superman (ang superhero na nasa labas ang brief) o di kaya si Darna (ang superhero na nasa noo ang berdi). Lumipas pa ang ilang araw at may nadiskubre siyang talent, dahil sa item na kinain niya ay nakakagawa siya ng bagay na dati ay indi niya ginagawa, naliligo na siya ngayon, nagtututbras na ha ha ha, at higit sa lahat palagi na siyang nakangiti (kulang na lang eh magsalubong ang gilagid niya sa batok).

Lumipas pa ang ilang araw, nakaramdam siya ng hindi maganda, ala namang kalaban sa battle ground pero narealize niya na yung kinain niyang item eh isa palang lason na sisira sa kanyang pagkatao (ansama! lason ha ha ha, ala ako maisip eh), tapos ang malupet pa nyan, ala syang makitang antidote sa wakanang kinain niya, unti-unti siyang nanghihina, ang dating Superman ay nagbalik Clark Kent na parang nakalulon ng isang dram na green kryptonite at ang dating Darna ay bumalik sa pagiging Narda at ang batong nilululon niya ay naging sinlaki ng 8 cubic na refrigerator. Ang ka-awa-awang nilalang.. ayun.. indi na makakain, laging puyat, indi na makapagtrabaho ng maayos, at higit sa lahat indi na siya ulet naliligo at nagtututbras he he he, ang ngiti niya ay napalitan ng simangot na parang naka-inom ng tatlong trak ng sukang maasim.

To the brayter sayd:
Naisip niya, hindi pa pala huli ang lahat, malamang ang PC Games na nilalaro niya ay hindi para sa kanya. Madami pa naman ibang games diyan, maghanap ka lang at makikita mo, malay mo yun palang dinadaan daanan mo na pirata sa may kanto eh yun pala yung games na para sa iyo.

Day 5
Dahil sa matigas ang ulo, hinintay niya ang bagong version ng nilalaro niya (makulit talaga ha ha ha). Lumabas ang updated version, but this time, binasa muna niya ang manual tapos tsaka niya nilaro. Natapos niya ang game. The End.


Posted at 08:31 am by lukin
Comments (2)  

Tuesday, March 07, 2006
Kumpede lang sana…

Lately, my favorite time of the day is when I wake up until such time na kakain kami ng lunch, usually around 6am to 12 noon. Tapos hate ko naman yung time from 5pm until such time na makatulog ako na madalas nanganak na ang lahat ng tupang binibilang ko eh indi pa din ako makatulog, dilat na dilat pa din ang aking mga mata.

Basta pinaka-ayaw ko eh dumating yung gabi, napakahirap talagang matulog, ala naman akong insomnia basta ang dami ko lang talagang iniisip at isa na nga doon kung totoo bang nauna ang itlog sa manok? At madalas pa akong binabagabag kumbaket malaki ang sapatos ni Ronald Mc Donald, pedeng-pede talaga yung gawing fly swatter at ihampas ke jolibee.

Kidding aside, kasi nga eh kid pa din ako, andami ko talaga iniisip. Wish ko lang sana eh makapulot ako ng bote na may genie sa loob at bigyan ako ng kahilingan. Akin na lang yung mga wishes na yun. Wag nyo akong pilitin na sabihin kong anu-ano yun dahil hindi naman kayo kasama sa mga i-wiwish ko he he he (Shellfish ata to).

Hay.. sana kayanin ko pa ang mga susunod na trials na bubulaga sa aking harapan. At kung sakaling hindi na, mag-comment lang dito ang gustong sumama sa akin para umakyat sa billboard ni Heart Evangelista, aakyat tayo doon at check natin kung totoo nga yung law of inertia at Newton's law of gravity na pinag-aralan natin sa physics noong high school pa tayo. Walang tulakan ah, basta mauna kang tumalon, para ma-check ko na din kung totoo ngang matagal mamatay ang masamang damo.

P.S. Ang sarap palang magbasa ng senti na entry pag madrama ang togtog ha ha ha, parang ansarap magpatiwakal ha ha ha. (oi! wag nyo gagawin yun bad yun)


Posted at 08:05 am by lukin
Comments (7)  

Next Page